210

Unggoy kinidnap ang kuting habang kumakain ng saging

Isang kagulat-gulat na video ang kumalat sa Internet nang isang unggoy na nang-kidnap ng isang kuting habang kumakain ng saging.

Kinuha ng unggoy ang pusa habang gumagala ito sa labas ng isang bahay sa Rayong, silangang Thailand, nitong Sabado ng hapon.

Kita sa video ang isang unggoy na nasa bubong habang hawak-hawak ang natatakot ng kuting.

Sinabi naman ng mga tao sa paligid na huwag saktan ang kuting.

“The monkey was seen on Sunday morning again with the kitten. But it was then seen alone on Sunday afternoon at 4pm without the kitten. Since then nobody has seen either of them again. We don’t know if the monkey has killed the cat or it escaped and ran away,” sinabi ng isang nababahala na kapitbahay na si Chantra Sakulphitak sa report ng Daily Mail.

Tinawag ng mga nag-aalala na lokal ang unggoy para pakawalan ang kuting.

Isang babae ang naririnig sa video habang sinisigaw ‘Let him go! Don’t hurt him!’.

Kasunod naman nilang sinigaw ang ‘cat, cat, cat’ upang subukan at hikayatin ang kuting na tumakas sa unggoy.

Ayon kay Chantra, kilala ng mga residente ang unggoy dahil nagnanakaw ito ng pagkain sa mga nagdaan na buwan.

Dagdag niya pa, “When this happened, somebody was trying to feed the monkey with food. But it didn’t just take the food, it also took the cat.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?