118

Unggoy inalagaan ang ulilang kuting

Tila anak na ang trato ng isang unggoy sa isang kuting na naulila matapos ang serye ng mga lindol sa Mindanao.

https://www.facebook.com/maestermarin.catorce/videos/2471487952886755/

Sa video ni Ma. Ester Catorce sa Facebook, makikita si Muymoy na hawak sa leeg ang isang orange na kuting.

Nagmamatyag din ito sa paligid, at nilalayo ang kuting kapag may paparating na mga aso.

Umalis na kasi sa nasirang bahay ang mga dating nag-aalaga sa kuting matapos ang mga pagyanig sa lugar nitong Oktubre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?