93

By

Unang talo ng Heat sa home court, pinalasap ni LeBron, Lakers

Nakalusot ang tandem nina Anthony Davis at LeBron James para tigpasin ang unbeaten record ng Miami Heat sa kanilang home court,

33 puntos ang binuhos ni Davis, habang 28 naman ang kay James na sinungkit ang 113-110 win kontra sa dati niyang koponan.

“Two teams that are playing extremely well right now in this part of the season,” ayon kay LeBron, na dagdag din ang 12 assists at nine rebounds sa kanyang stat line. “Two teams that play physical, play together, play hard. That’s why they are where they are at this point in the season and that’s why we are where we are.”

Sa panalo, tungtong ang Lakers sa 23-3 record, kapantay ng Milwaukee Bucks sa top spot sa standings, naitabla din ang ikalawang pinakamahabang road winning streak ng LA franchise sa 13 games.

Sa naturang laban, nagkaroon ng tsansa si Heat star Jimmy Butler na maitabla ang laban matapos maipagpag si James at pakawalan ang three-point shot, ngunit nakaabang si Davis dahilan para mawala sa pokus at mamintis ang tira.

Tumapos ng may 23 points si Butler habang ayuda naman sa kanya si Derrick Jones Jr. na may 17 markers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?