267

Unang salang ni Regine sa bagong ASAP, nag-trending!

Hindi maikakaila na kahit matagal na sa industriya ang ‘Asia’s Songbird’, isa pa rin siya sa pinakatinitingalang mang-aawit ngayong henerasyon.

Sa 1st performance ni Regine Velasquez sa ASAP Natin To stage, sinamahan siya ng ilang sikat na Kapamilya singers tulad nina Jed Madela, Erik Santos, Marcelito Pomoy, Jason Dy, Mitoy Yonting at Noven Belleza.

Naki-blending din ang magagandang tinig ng mga female singer ng Kapamilya na sina KZ Tandingan, Jona, Frenchie Dy, Elha Nympha, Janine Berdin at Angeline Quinto.

Marami pa rin ang bumilib kay Regine lalo’t angat pa rin ang boses nito sa iba, na tila ipinakita kung bakit hanggang ngayon ay sobra pa rin ang kasikatan niya.

Sa Twitterverse, kanilang ipinaabot ang pagsuport sa ‘Asia’s Songbird’ at hindi mapakali sa muling pagbabalik ng kanilang reyna sa Kapamilya network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?