53

Mar 25, 2020 @ 12:37
By

Unang nagladlad na NBA player, positibo sa coronavirus

Inanunsyo ni dating NBA player Jason Collins na tinamaan siya ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Collins sa kanyang Twitter account, nagsimula ang kanyang sintomas noong March 11 nang magkaroon ng matinding sakit ng ulo, matapos nito ay sinundan ng lagnay at matinding ubo.

Nasa bahay ngayon si Collins at nagpapagaling dahil nakakaramdam pa rin ng paninikip ng dibdib, ngunit aniya ay maganda na ang kalagayan ng kanyang baga.

Pati ang kanyang partner na si Brunson Green ay nagkaroon din ng COVID-19 at naka-self-isolate din.

Si Collins ay naglaro ng 13 season sa NBA, at bago magretiro ay inamin na siya’y bading noong May 2013.

Nag-average ito ng 3.6 points at 3.7 rebounds sa kanyang NBA career.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?