70

Jan 10, 2020 @ 18:40
By

Unang LPA ngayong 2020, papasok sa bansa

Namumuo ang isang low pressure area (LPA) malapit sa Mindanao at posibleng pumasok sa bansa sa Linggo, Enero 12.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA may layong 1,930 kilometro silangan ng Mindanao.

Inaasahang papasok ang LPA sa Linggo pero maliit ang tsansa nito na maging tropical storm.

Patuloy namang magdadala ng mahinang pag-ulan sa Northern at Central Luzon nitong weekend ang Amihan.

Makararanas naman sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ng maulap na kalangitan na may isolated light rains.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?