23

Unang K-Pop arena itatayo sa Seoul

Sa unang pagkakataon, magkakaroon na ang Seoul, South Korea ng concert hall na para lamang sa K-Pop, ang “Seoul Arena.”

Ito rin ang pinakamalaking indoor concert hall sa buong Korea, na may kapasidad na 19,300 upuan.

Ngayong buwan, Oktubre 2019, na ang pag-uusap ng gobyerno ng Seoul at iba’t ibang investment company tungkol sa pagpopondo at pagtatayo ng nasabing gusali na itatayo malapit sa Changdong station.

Balak simulan ang konstruksiyon sa Setyembre 2020 na planong tapusin sa Disyembre 2023.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?