22

By

Unang ginto sa Olympics, tatrabahuhin ni Obiena

Asam ni pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena na maputol ang may 96 na taong pagkauhaw ng bansa sa unang gintong medalya Summer Olympic Games lalo na ngayon na halos abot-kamay na ang bihirang pagkakataon sa pag-qualify sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan.

“It is not impossible,” sabi ng University of Santo Tomas engineering student sa pagdalo kasama ang mga magulang na kapwa naging pambansang atleta ring sina Emerson at Jeanette Obiena sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo, Malate Martes ng umaga.

“It is a competition and anything can happen. I really want to have a target or a mission so the competition will not be some sort of boring. The first gold medal will be my inspiration as well as the million Filipino people that will be behind me when I compete,” sabi ni Obiena, na una sa dalawang Pilipinong atleta na nakakuha ng silya sa 2020 Tokyo Games.

Gayunman, una munang kakasa siya sa itataguyod ng bansa na 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nob. 30-Dis. 11, bago ang 2020 Olympics.

Sinabi ng 23-anyos na batang Obiena sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), na ang makapagkuwalipika sa Oympics ay isang “more of a dream coming true.”

Target niyang makadale rin ng 1st SEA Games gold tapos mag-silver sa Singapore noong 2015 at ‘di makasama sa Malaysia nitong 2017 kung saan isang araw bago sumabak ay nagka-injury.

Sa national record na 5.81 metro, rank 10th sa mundo sa ngayon ang 6-foot-2 pole vaulter. Kalaban niya sa SEAG si 2017 winner Porranot Purahon ng Thailand na may 5.35sa Malaysia meet.

“I may have the slight edge but it’s a competition. Anything can happen. Hopefully I can be the one standing on top of the podium holding the Philippine flag,” wakas ni Obiena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?