247

Unang digital single ng Arashi pinagpiyestahan

Bilang pagdiriwang sa pangalawang dekada ng J-pop boy band Arashi sa music arena, nilabas nila ang bago nilang kanta na pinamagatang “Turning Up.”


Parte ito ng sunud-sunod na surpresa ng grupo para sa kanilang mga fan, na pinangako nila sa isang live press conference sa YouTube noong Nov. 3, 2019.

Ito na ang ika-65 na kanta ng boy band, na talagang tinangkilik ng mga fan.

“Arashi forever in my heart,” saad ni berenice.

“They’re sure know how to treat their fans. Such a pro,” ayon naman kay Nisak Taufik.

“Arashi san… from the beginning you told us about your dream to storm the world. I want you know that all these years, you have been storming the world!,” sabi naman ni Azul I.

Samantala, inaabangan na rin ng mga fan ang planong pagbisita ng Arashi, sa Jakarta, Bangkok, Taipei, at Singapore bilang parte ng kanilang Jet Storm Tour.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?