83

Mar 30, 2020 @ 22:18
By

Unang COVID-19 patient sa Digos City nagpunta sa sabungan

Kinumpirma ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) ang unang kaso ng coronavirus 2019 (COVID-19) sa Digos City.

Marso 30 nang matanggap ng Digos City health office (DCHO) ang kumpirmasyon mula sa RITM.

Ayon kay Dr. Ronald Jumilla, ng DCHO, kabilang ang 38-anyos na lalaking pasyente sa libo-libong katao na nagpunta sa sabungan sa New Matina Davao Gallera sa Davao City simula Marso 6 hanggang 13.

Maayos naman umano ang kondisyon ng pasyente at naka-isolate na sa isang ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?