329

By

Unang coronavirus hospital sa China, binuksan na

Dalawang araw lang ang kinailangan ng China para mabuksan ang kauna-unahang ospital na ilalaan para sa mga natamaan ng novel coronavirus sa naturang bansa.

Ang ospital ay isang walang laman na gusali na ginawang 1,000-bed emergency facility malapit sa siyudad ng Wuhan, at nailipat na ang unang batch ng mga nCoV patient dito bandang alas-10:30 ng gabi nitong Martes.

Ang hospital building sa Huangzhou District ay nakatakdang buksan pa noong Mayo, ngunit pinag-utos na agad ang paggamit nito para sa mga coronavirus patient noong Biyernes kaya naman nasa 500 worker at isang dosenang heavy vehicle ang nagtrabaho ng dalawang araw nang walang tigil para matapos agad ito.

Isa pang ospital ang itatayo 47 milya ang layo sa Wuhan at inaasahan na makumpleto rin ngayong linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?