37

By

Unang batch ng OFW na pauwi ng ‘Pinas hinarang sa Baghdad airport

Hindi nakaalis sa Baghdad International Airport ang unang grupo ng mga Pilipino na na-repatriate sa Iraq.

Alas-10:30 ng gabi sana ang alis ng grupo sa Baghdad via Doha (alas-3:30 ng madaling-araw, Martes sa Pilipinas) pero hindi ito natuloy dahil umano sa problema ng mga ito sa exit visa.

Ayon kay Middle East Special Envoy Roy Cimatu sa ABS-CBN report, nasa Baghdad pa ang grupo ng mga OFW pero umaasa siyang mareresolba ito sa lalong madaling panahon.

Kasalukuyan pang nasa Doha si Cimatu para antabayanan ang sitwasyon ng mga OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?