34

By

Unang batch ng OFW na nilikas sa Iraq darating bukas

Inaasahang darating sa bansa sa Lunes ang unang batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nilikas mula sa Iran, ayon kay Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

Subalit dahil umano sa logistic concern, ang 14 na OFW ay hindi muna didiretso mula sa Iraq patungo sa Pilipinas kundi unang dadalhin sa Doha, Qatar, ani Lorenzana sa isang TV interview ngayong Linggo, Enero 12.

Ayon pa sa kalihim, base na rin sa pinag-usapan nila ni Philippines Special Envoy to the Middle East at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, aalis ang mga OFW ng Linggo mula sa Doha at darating ng Pilipinas bukas.

“We are still getting the flight details. Sabi ni Secretary Cimatu, departure from Doha is January 12, and expected arrival is January 13,” pahayag ni Lorenzana.

Sa hiwalay namang TV interview kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, mayroong aabot sa 200,000 OFW sa Gitnang Silangan.

Sa Lebanon ay mahigit sa 1,000 OFW ang humihiling ng repatriation dahil sa tensyong namamagitan sa Iran at IS.

Nitong naakaraang linggo ay inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mandatory repatriation ng mga OFW sa bansang Iran, Iraq at Lebanon subalit binawi niya rin ang kanyang anunsyo sa bansang Iran at Lebanon matapos bumaba ang tension sa Amerika at Iran.

“Sa Iraq, naka-mandatory repatriation na. Iraq po ang priority natin,” pahayag ni Andalong.

Matatandaang sumiklab ang hidwaan matapos masawi sa airstrike ng Amerika si Iraninan General Qassem Soleimani.

Gumanti naman ang Islamic Revolutionary Guard ng Iran nitong nakaraang Linggo at tinarget ng kanilang missile attack ang US military base sa Baghdad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?