87

By

Unang babaeng League of Legends pro-gamer, pumanaw na

Sumakabilang-buhay ang dating League of Legends support player na si Maria ‘Remilia’ Creveling, ayon sa kaibigan nito at eSports reporter na si Richard Lewis.

“It is with great sadness that I inform you that my best friend Maria Creveling passed away peacefully in her sleep yesterday,” saad ni Lewis.

“She would not have wanted any lengthy statements or grand eulogies. Despite having fans all over the world she was never one who craved the spotlight. My only request is that anyone wanting to pay tribute reach out to ensure that it is done in a manner that respects her wishes.”

Gumawa ng ingay si Remilia matapos sumali para sa Renegades sa League of Legends Championship Series noong 2015.

Ngunit naging mabilis lang ang stint ditto ni Remilia at wala pang isang buwan ay lumisan din sa team dahil umano sa pressure at harassment na natatanggap niya mula sa Renegades.

Sumalang din sa Kaos Latin Gamers at naging backup sa Flyquest si Remilia, na isang transgender woman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?