1,285

Mar 20, 2020 @ 5:31
By

Unang aso na COVID-19 positive, pumanaw na

Matapos makarekober at makauwi, pumanaw ang unang aso na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Agriculture, Fisheries and Conservation Department (AFCD) ng Hong Kong, sa ulat ng SCMP, “The department learned from the dog’s owner that it had passed away on March 16. The owner said she was not willing to [allow] an autopsy to examine the cause of death.”

Marso 14 pinauwi ang 17-anyos na Pomeranian dog na naka-quarantine sa isang government facility mula pa Pebrero 26. Gumaling na rin ang amo nito mula sa virus.

Ilang beses tinest ang aso sa quarantine nito: sa limang test sa kanyang nasal at oral samples, pawang “weak positive” ang resulta.

Nagnegatibo lang ang aso sa sakit sa dalawang test noong Marso 12 at 13, kaya pinayagan na itong umalis sa quarantine site at makauwi.

Natagpuang walang antibody sa COVID-19 na na-develop sa katawan nito.

“It is known in some asymptomatic or mild cases of human infections with other types of coronavirus that antibodies may not always develop,” wika ng AFCD sa hiwalay na pahayag.

Nilinaw naman ng ahensiya na wala pang ebidensiya na pwedeng manghawa o magkasakit sa naturang virus ang mga pet animal.

Sa ngayon, ayon sa SCMP, may isang pusa at tatlong aso na nailagay sa isang animal keeping facility sa Hong Kong Port ng Hong Kong-Zhuhai-Macau Bridge.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?