57

By

Umulan ng perfect 50! Green, Carlos hari ng dakdakan

Dahil sa parehong impresibong performance ng dalawang high flyer, hindi nakapili ang mga hurado at parehong iginawad kina Fil-Am Jalen Green at David Carlos sa 2019 Chooks-to-Go NBTC League All-Star sa Mall of Asia Arena, Sabado ng hapon.

Bago ang dunk-off ng dalawa, nagagpo ito sa finale round kung saan pinakawalan ni Carlos ang one-handed reverse 180 dunk na ikinamangha ng mga hurado.

Sinundan pa ito ng paglundag niya sa apat na katao suot ang signed jersey ni Metta World Peace na isa sa mga hurado ng nasabing dunk contest.

Si Green naman nagpakawala rin ng highlight reel dunk, mula sa off-bounce two-handed slam hanggang sa alley-oop between the legs one handed dunk.

Sa dunk-off, inilabas na ni Carlos ang kanyang pangmalakasan na dakdak, todo ang props na naglabas ng isang ladder maging ang dagdag pang bola na ikinahiyaw ng madla.

Hindi nagpahuli ang Fiba U17 MVP na si Green, niyanig ang MOA Arena sa behind-the-back one handed dunk na sapat para matapatan ang 50 ni Carlos at parehas na hiranging Dunk Contest co-champions.

Kasamang nakalaban ng dalawa sina Kai Ballungay mula FilAm Sports at Darwin Cantong.

Samantala, wagi naman sa three-point shootout si John Erolon mula St. Louis Don Bosco-Dumaguete na pumukol ng 16 points sa finals.

Si Jasper Rentoy ng AusPinoy ang wagi sa Skills Challenge matapos paluhurin si Carl Tamayu mula NU-Nazareth School sa finale.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?