404
Umiwas sa tax, nanloko: Modus ng Kapa nilantad ng kolumnista
By

Umiwas sa tax, nanloko: Modus ng Kapa nilantad ng kolumnista

Pebrero pa lang ay ibinulgar na ng isang kolumnista ang ginawa ng Kapa-Community Ministry International, Inc. para makapanloko at makahamig ng malaking salapi sa mga maeenganyong miyembro.

Sa column ni Danny Abrigo sa Sunstar, idenitalye niya kung papaanong nakahamig ng malaking salapi ang religious group ni Pastor Joel A. Apolinario sa mga umanib sa kanila. Marso 2017 umano nabuo ang naturang grupo, dating nagsimula bilang non-stock, non-profit corporation sa Surigao del Sur na nakarehistro pa sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Ideya umano ito ni Apolinario, na ang layunin ay maiahon ang mga tao sa kahirapan.

Si Apolinario ay sinasabing dating mangingisda, construction worker bago naging brodkaster at naging minister sa Seventh Day Adventist.

Hulyo 2018 ay pinasara ang Kapa matapos malaman na nagpapa-invest ito ng pera at ang balik ay nasa 30-percent.

Nakasuhan ng 102 estafa ang samahan, may 27 arrest warrant para sa kanya ngunit nang mabayaran na ang mga nagreklamo ay dinismis ang kaso.

Lumipat ng lugar ang Kapa, lumaki at umabot sa isang milyong miyembro sa parehong pangako na 30-percent.

Kumalat ang organisasyon, isinaad ni Abrigo na matalino sa paggamit ng salita ang Kapa kaya nakalusot sa asunto.

“Kapa is correct in choosing its name and prudent enough in its choice of words. First, take a look to their SEC Registered name. It has a dash line connecting between the word “KAPA” and the word “Community” which simply means the focus of their ministry is intended for the Kapa community/members only,” ayon kay Abrigo.

Bukod pa dito, gamit nilang salita ay donation imbes na investment, dahil wala namang mag-iinvest sa isang religious group, at hindi rin nila hinahayaan na makapag-donate ang isang hindi miyembro.

Blessing din ang tawag nila sa dagdag na interes para makaiwas sa hinala.

Isa pa ay ang pag-claim ng Kapa na isa silang simbahan, na sa batas ay hindi nagbabayad ng tax.

Ayon kay Abrigo: Kapa is not a Church. Because, it has (1) No recognized creed and form of worship; (2) No definite and distinct ecclesiastical government; (3) No formal code of doctrine and discipline; (4) Members are still associated with any other churches or denominations; (5) No ordained ministers who have completed specific studies; (6) No literature of its own; (7) No established places of worship; (8) No regular congregations; (9) No regular religious services; (10) No schools that educate its ministers, among others.

Faith-Based Non-Profit umano ang dapat itawag sa Kapa at sinabing matagal nang nalaman ng SEC na scam ang religious group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?