53

Feb 16, 2020 @ 16:09
By

‘Ulam raffle’ patok sa mga netizen

Susubukan ng mga netizen ang naisip na pakulo ng isang pamilya na nahirapang pumili ng lulutuing putahe.


Pinakita ni Beng Onacle ang step-by-step na paggawa nila ng uulam raffle: isulat ang mga putahe na kaya mong lutuin, gupitin at tupiin isa-isa, ipasok sa isang lalagyan, at lutuin kung anuman ang unang mabubunot na ulam.

Kasama sa listahan ang “Pininyahang Manok,” “Tortang Talong,” “Ginisang Petchay,” at “Munggo.”

“unang bunot pritong itlog🤣🤣🤣,” ang kwento pa ni Onacle.

Benta sa madla ang ginawa ng pamilya kaya umani na ito ngayong Pebrero 16 ng 16K shares, 3.4K reactions, at 346 comments.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?