75
Whittaker atras sa title fight dahil sa luslos
By

UFC 234: Whittaker atras sa title fight dahil sa luslos, Silva inisahan ni Adesanya

Walong oras bago ang laban, biglang inanunsyo ang pag-back out sa laban ng UFC middleweight champion na si Robert Whittaker kontra kay Kelvin Gastelum para sa UFC 234 main event.

Idinahilan ng kampo ng UFC champ na mayroon itong abdominal injury at biglaang kinailangan ng surgery dahil sa perforated hernia o luslos.

Ang pag-atras ni Whittaker ang naging dahilan para maging main spectacle ang laban ni Israel Adesanya at ang UFC future Hall of Famer na si Anderson Silva.

Sa nasabing salpukan, tila nagsukatan ang dalawa sa unang dalawang round, ngunit kita ang pagiging aktibo ni Adesanya dahilan para pumabor sa kanya ang first round.

Nanatili ang palitan ng upak, ngunit sa third round ay nagpakitang-gilas na ang New Zealand star na si Adesayna para makuha ang unanimous decision win, 29-28, 30-27, 30-27.

“I pass the baton onto you,” papuri ni Silva sa pausbong na star, si Silva ay ang may hawak ng pinakamahabang reign bilang UFC champ.

“I’m very happy, guys. Thank you God, for giving me one more chance to come here and do my best. I love my job,” ayon pa kay Silva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?