1,391

By

UE coach Bong Tan nag-collapse sa basketball game

Sinugod umano sa ospital ang anak ni Philippine Airlines owner Lucio Tan na si Bong Tan habang naglalaro ng basketball, Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng Manila Bulletin, salang sa basketball game si Tan, na coach din ng University of the East sa UAAP, sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.

Dito umano nag-collapse si Tan at dinala agad sa ospital na hindi pa batid kung saan, ngunit posibleng sa Cardinal Santos Medical Center ayon sa ilang report.

Saad pa, sa 2nd quarter habang nasa bench nag-collapse si Tan para sa koponan ng PAL, kung saan kakapasa lang sa kanya ng baton bilang presidente ng PAL Holdings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?