144

By

UE coach Bong Tan binawian na ng buhay

Tuluyan nang binawian ng buhay Lunes ng umaga si University of the East (UE) Red Warriors head coach Lucio ‘Bong’ Tan Jr. matapos siyang mag-collapse nitong Sabado sa inter-department basketball game sa Mandaluyong City.

Si Bong Tan ay isa sa anak ni Philippine Airlines (PAL) owner Lucio Tan.

Sa second quarter, habang nasa bench, nag-collapse si Tan na sumalang sa Pinoyliga Cup finals sa Gatorade Hoops Center para sa koponan ng PAL, kung saan kakapasa lang sa kanya ng baton bilang presidente ng PAL Holdings.

Ang nasabing insidente ay naganap sa 2:56 mark ng ikalawang yugto ng laro sa bakbakan ng Philippine Airlines laban sa Exile na nahinto sa iskor na 35-28.

Matatandaang si Tan ay in-appoint bilang head coach ng Red Warriors matapos magbitiw si Joe Silva sa pagsapit ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Kilala rin si Bong bilang basketball lover at ni-reintroduce niya ang Tanduay sa Filipino basketball nang bumuo ito ng team sa Philippine Basketball League (PBL) taong 1995.

Pinasok rin niya ang koponan sa liga ng PBA taong 1999 kung saan naglaro rin dito sina former MVP Eric Menk, Mark Telan, Chris Cantojos at Sonny Alvarado.

Samantala, nagpahatid ng pakikiramay at kalungkutan ang ilang mga netizen sa pagpanaw ni Tan.

Tweet ni Robert Lim Joseph (@robertlimjoseph), “R.I>P Lucio “Bong” Tan , good and very helpful friend. Prayers and Sympathies to his family, employees and friends.”

“I was shookt by the sudden news, didnt really expect that. Rest in peace sir bong tan. One of the best bosses ive met,” post naman ni Angie (@imangiesantiago).

Nalungkot din si Elite-Critics, “So sad for UE wana na cla chance umahon sa baba ng standing ng uaap.. Bong Tan is a great lost for the UE basketball.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?