215
UAAP 81: Galamay ni Madayag, susi ng Ateneo vs UST
By

UAAP 81: Galamay ni Madayag, susi ng Ateneo vs UST

Nahirapan umiskor ang UST sa impresibong depensa ng Ateneo team captain na si Maddie Madayag.

Sumampa sa win column ang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles matapos ang four-set 25-21, 25-18, 16-25, 25-22 victory laban sa University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses sa first game ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Miyerkoles, Pebrero 20, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Attack mode sina Kat Tolentino at Madayag na lumagare ng 22 at 15 puntos para ibigay sa Ateneo ang unang panalo sa dalawang salang katulad ng marka ng kanilang biktima. Anim na blocks ang inilista ni Madayag.

Galing ang Lady Eagles sa opening game loss laban sa mahigpit na karibal na defending champs De La Salle Lady Spikers 25-14, 25-17, 16-25, 25-19 noong Linggo.

“Gustong-gusto bumawi ng mga bata sa opening game loss. Alam nila kaya nilang manalo,” kwento ni ADMU coach Oliver Almadro.

Tangan ang limang puntos na bentahe sa fourth set 23-18, pinakaba pa ng UST ang Ateneo nang dumikit 23-22 sa magkakasunod na atake ng mga taga-España at sa error ni Jules Samonte.

Dito na nag-takeover si Tolentino, na nagpakawala ng malakas na spike na hindi naibalik ni Sisi Rondina.

Susunod na makakatapat ng Lady Eagles ang Far Eastern University Lady Tamaraws sa Linggo, Pebrero 24, sa parehong venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?