28

By

U2 nasa bansa na para sa concert!

Dumating na sa Pilipinas ang Irish rock band na U2.

Lumapag sila sa bansa noong Lunes, Disyembre 9.

Nakatakda silang mag-perform bukas, Disyembre 11 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Bahagi ito ng kanilang tour na pagdiriwang sa 30th anniversary ng “The Joshua Tree” album.

Magko-concert din ang banda na kinabibilangan nina vocalist Bono, guitarist The Edge, bassist Adam Clayton at drummer Larry Mullen Jr., sa South Korea at India.

Ilan sa sikat na kanta ng grupo ang “With Or Without You” at “One”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?