25

May 22, 2020 @ 20:41

‘Tyson-Holyfield 3’ namumuro

Bukas si Mike Tyson na makipagbugbugan muli sa mortal niyang katunggali sa larangan ng boksing na si Evander Holyfield.

Mainit ang Tyson-Holyfield rivalry noong 1990s.

Kontrobersiyal din ito matapos kagatin ni Tyson ang tenga ni Holyfield sa third round ng “Evander Holyfield vs. Mike Tyson II” noong 1997 kung saan natalo ang una dahil sa disqualification.

Pero ngayon ay malapit nang magkaibigan ang dalawa.

Sa panayam kay Tyson sa TMZ Live, game siyang tumuntong muli sa boxing ring para sa charity.

“That would be awesome for charity. Can you imagine me and Holyfield going in the ring together,” saad ng 53-anyos na dating undisputed heavyweight champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?