95

Jan 20, 2020 @ 11:11
By

TWG ng DOTr: Angkas, JoyRide, Move It iligal!

Dineklarang “iligal” ang lahat ng mga motorcycle-taxi, at pwedeng hulihin ang mga babiyahe pa rin sa bansa simula sa susunod na linggo.

Ito ang naging resulta ng natapos na pag-aaral ng Department of Transportation -Technical Working Group (DOTr-TWG) sa mga motorcycle-taxi.

“Hindi po (sila pwedeng bumiyahe), kasi may batas tayo dyan,” hayag ni DOTr-TWG official Antonio Gardiola, Jr. sa mga reporter ngayong Lunes ng umaga, Enero 20, 2020.

Sa ngayon, tatlo ang nag-o-operate na motorcycle sharing app sa bansa: ang Angkas, JoyRide, at Move It.

Sakaling paburan ng mga mambabatas ang naging pag-aaral ng DOTr-TWG, pagbabawalan nang bumiyahe lahat ng mga motorcycle-taxi sa saanmang kalsada sa bansa.

Ayon kay Gardiola, isinumite na nila ang kanilang motorcycle-taxi report kina Samar 1st District Rep. Edgar Mary Sarmiento na Chairman ng House Committee on Transportation at Senadora Grace Poe na Chairman ng Senate Committee on Public Services.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?