207
Tweet ni Maine Mendoza, natupad na
By

Tweet ni Maine Mendoza, natupad na

Sobrang kasiyahan ang nararamdaman ni Maine Mendoza matapos mangyari ang na-tweet niya 9 years ago.

Sa kanyang tweet noong October 2, sinabi ni Maine na nag-tweet siya noon ng: “Hi. You’re watching Myx. The number one music channel in the Philippines.”

Ngayon nga matapos niyang bumisita sa opisina ng ABS-CBN para sa “Isa Pa With Feelings” movie, nag-guest si Maine sa music channel na MYX.

“Tweeted this 9 years ago and now I am here at Myx! Guest lang naman ako pero waaaahhh nakakatuwa! Nice to finally meet you, @robertmarion,” saad ni Maine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?