213

By

“Tuloy pa rin ang loveteam namin ni Maine!” — Alden

Sandaling nakatsikahan namin si Alden Richards sa wedding nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan last Tuesday. Excited na raw siya sa bakasyon ng buong pamilya niya sa Japan ngayong Pasko.

Pagbalik dito ay may pasabog daw siya para sa mga kaibigang movie press kaya excited din kami sa pagbalik niya.

Natanong namin sa kanya kung may komunikasyon ba sila ni Maine Mendoza na hindi alam kung nasa Amerika ba o kung saan nagbabakasyon.

“Meron naman po, pero hindi naman madalas,” tipid niyang sagot sa amin.

Sa pagkakaalam daw niya, okay naman si Maine, pero hindi na niya sinabi kung nasaan ito.

Hiningan namin siya ng reaksyon, kung nakahanda na ba siyang matapos ang loveteam nila ni Maine. Nakahanda na rin ba siyang magkaroon ng panibagong loveteam?

“Tuloy pa rin naman po. Hindi naman natapos doon, after that letter eh. Okay naman po kami eh,” sagot sa amin ng Pambansang Bae.

Meron nga raw pinaghahandaang malaking project ang GMA 7 para kay Alden, pero wala pa raw siyang ideya kung ano ito. Basta, hoping siya for a brighter at mas masayang 2018 para sa kanyang career at sa AlDub. (Gorgy Rula)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?