42

By

Tuloy ang gold rush ng ‘Pinas

Sa Day 2 ng SEA Games nitong Lunes, hindi ang mga Southeast Asian traditional powerhouse teams ang threat sa Pilipinas kundi ang bagyong Tisoy.

Pero matikas na nasalag ng Filipinos ang mga kalaban nang ituloy ang gold rush sa tinuhog pang 17 gold – pinakamarami ang ambag ng arnis (7), nag-deliver din ng back-to-back gold ang Gilas men’s at women’s 3×3 squads. Nakapag-ambag din ang mountain bike, duathlon, pencak silat, weightlifting, lawn bowls at mixed triathlon squads.

Overall, nakatipon na ang Team PHL ng 38 gold, may sahog na 20 silver at 13 bronze tungo sa 71 total hanggang 7 pm kagabi – puwede nang puhunan bago bumayo si Tisoy sa Luzon ngayong araw hanggang bukas.

Kapag maaliwalas ang panahon ngayong Martes, taya ang 45 gold medals sa 15 disciplines.

Malayong pangalawa sa hosts ang Vietnam (15-20-16), sunod ang powerhouses Malaysia (10-2-7), Indonesia (6-11-12) at Thailand (6-9-16).

Tuloy ang sorpresang run ng pencak silat para sa Team PHL, naka-gold si Edmar Tacuel sa seni tunggal singles. Itinakbo ng triathlon ang pangatlong ginto nang makipagtambalan sina Kim Mangrobang at Claire Adorna kina Fernando Casares at John Chicano sa mixed relay team.

Pinakamaingay at pinakamabigat ang binuhat ni Hidilyn Diaz sa 55kg women’s weightlifting. Nagtaas ang 2016 Rio Olympics silver medalist ng 91kgs sa snatch at 120kgs sa clean and jerk tungo sa 201 total para sa top podium finish – una niyang gold sa SEAG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?