37

By

Tulak umano bulagta sa Laguna buy-bust

Patay ang isang umano ay tulak ng iligal na droga sa anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa isang ilang na lugar sa Sta. Cruz, Laguna.

Kinilala ang napaslang na suspek na si Percibal Mendoza, 30 hanggang 40 anyos, at residente ng Sitio Dao, Brgy. Santissima Cruz.

Isinagawa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Provincial Intelligence Branch at Sta. Cruz police sa Sitio Ilang-Ilang, mag-aalas-nuebe ng umaga, Oktubre 18, 2019.

Matapos ang transaksyon, bigla na lang umanong bumunot ng baril ang suspek nang makatunog na pulis ang kausap.

Subalit naunahan umano ito ng pulis na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Narekober dito ang 14 na sachet ng shabu at baril na 9mm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?