23
kush
By

Tulak ng ‘kush’ tiklo sa buy-bust sa Mandaluyong

Kulungan ang bagsak ng isang 24-anyos na tulak at kabilang umano sa drug watch list ng Mandaluyong Police matapos ang ikinasang buy-bust operation, Sabado ng madaling araw.

Batay sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Johnson C. Almazan, nakilala ang suspek na si Shawn Patrick Nuñez, residente ng Mandaluyong City.

Isinagawa ang buy-bust operation bandang alas-1:47 ng madaling araw, Setyembre 21, 2019, sa kahabaan ng Barangka Drive sa nasabing lungsod matapos makatanggap ng tip ang pulisya kaugnay sa pagtutulak ng damo ng suspek.

Nakumpiska mula kay Nuñez ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng dried marijuana o high grade “kush” at isang plastic sachet ng dried marijuana para sa P1000 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong Police detention cell at naghaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?