28
Tulak nalambat sa Mandaluyong

Tulak nalambat sa Mandaluyong

Nalambat ng Mandaluyong Police ang isang kilalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation nitong Sabado, Pebrero 9 ng gabi sa Barangay Barangka Itaas.

Nakilala ang suspek na si Jerry Baisan y Santos, 33-anyos, residente ng 81 Makaturing St., Barangay Barangka Itaas, Mandaluyong City.

Ayon kay PSSupt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong Police, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust bandang 9:15 Sabado ng gabi sa labas ng bahay ng suspek matapos magbenta ng shabu sa isang poseur buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang anim na transparent heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu, P200 buy-bust money at shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Sec. 5 at Sec. 11 o Illegal drugs act sa City Prosecutors Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?