61
Tsupi ang Ateneo-La Salle! UST, UP malakas ang hatak ngayong UAAP S82
By

Tsupi ang Ateneo-La Salle! UST, UP malakas ang hatak ngayong UAAP S82

Kung ang dating crowd getter sa UAAP ay ang salpukan ng dalawang magkaribal na Ateneo at La Salle, tila nag-iiba na ang ihip ng hangin ngayon sa nasabing collegiate league.

Ayon sa tweet ng UAAP executive director na si Rebo Saguisag, ang dalawang nakapasok sa Final Four na University of Santo Tomas at University of the Philippines ang biggest crowd getter ngayong UAAP Season 82.

“The games with the highest attendance in #UAAPSeason82 so far had either
UP or UST in it,” ayon kay Saguisag.

Timing pa umano dahil ang dalawang koponan din ang maghaharap sa stepladder match para makaharap ang Ateneo sa finals.

“And now…they face each other…in the postseason….on a Sunday. Just imagine,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?