82

Tsunami alert dahil sa lindol, inalis na ng Phivolcs

Tinanggal na ng Phivolcs ang inilabas nitong tsunami warning sa ilang lalawigan sa Mindanao matapos tumama ang 7.2 magnitude na lindol sa Davao Oriental nitong Sabado.

Sa kanilang 3:00 pm advisory, minor waves na 0.08 na metro ang taas ang naitala sa kanilang sea level monitoring station sa Mati, Davao Oriental.

Anila, bumalik na sa normal ang alon sa karagatan.

“The last recorded wave occurred at 01:10 p.m. (PST) for this station. Records show that wave heights have returned to the normal tide level,” sabi ng Phivolcs.

Kanina nang magpalabas ng tsunami alert ang ahensiya matapos ang malakas na lindol sa Davao Oriental.

Kabilang sa mga residenteng pinalayo sa dagat ay mula sa Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Oriental, Davao City, Sarangani, South Cotabato, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao Del Norte at Surigao Del Sur. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?