162

Jan 21, 2020 @ 17:40
By

Tsikiting nina Chesca, Doug Kramer nag-donate ng mga damit para sa Taal evacuees

Super proud si Chesca Garcia-Kramer dahil sa generous act ng kanyang mga anak na nag-volunteer na mag-donate ng mga damit nila para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

“Proud of my babies who volunteered to set aside all their pre-loved clothes to donate to those affected by the calamity that happened last week,” sabi ni Chesca sa caption ng litrato nina Kendra, Gavin at Scarlett Kramer kasama ang ipapamahagi nilang damit.

Nitong Martes sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na sa kabila ng paghina ng aktibidad ng Taal Volcano, posible pa rin ang biglaang pagsabog nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?