29
ABANTE TNT trump tower fire ny

Trump Tower nasunog, tatlo sugatan

Tatlo katao ang sugatan nang masunog ang itaas na bahagi ng Trump Tower sa Manhattan sa New Year Lunes ng umaga.

Nasa Washington si US President Donald Trump nang mangyari ang sunog.

Isang bumbero at dalawa pang katao ang ginamot sa ospital dahil sa mga natamo nilang sugat.

Ayon kay Eric Trump, isa sa mga anak ng Pangulo, nagsimula ang apoy sa cooling tower sa rooftop ng gusali.

“The New York Fire Department was here within minutes and did an incredible job,” sabi ni Eric sa kanyang Twitter account.

“The men and women of the #FDNY are true heroes and deserve our most sincere thanks and praise!”

Nilinaw din ng New York Fire Department na ang sunog ay nangyari sa itaas ng gusali at hindi sa loob nito.

Iniimbestigahan ng city fire marshall ang dahilan ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?