367

Apr 5, 2020 @ 13:57
By

Trump: Maraming mamamatay sa US

Nagbabala si US President Donald Trump na sa susunod na linggo, mas tataas pa ang bilang ng mga masasawi dahils a COVID-19.

Sa ngayon ay nasa lampas 300,000 na ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa, at sa episentro ng virus sa Amerika na New York City ay 3,565 na ang todas sa nasabing virus.

“There’s going to be a lot of death,” pahayag ni Trump.

Binanatan ni Trump ang naging banat sa kanya ng federal government na nagkulang umano sila sa pagkuha ng mga ventilator kaya lumulobo ang kaso ng mga namatay sa sakit, sinabi pa na ilang mga US state governor ang nanghihingi ng mga machine na lampas sa kanilang pangangailangan.

Ayon sa mga medical expert ng White House, nasa 100,000 hanggang 240,000 American citizen ang inaasahang mamamatay dahil sa COVID-19 pandemic.

“We are coming up to a time that is going to be very horrendous,” ayon kay Trump. “We probably have never seen anything like these kind of numbers. Maybe during the war, during a World War One or Two or something.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?