38

Feb 16, 2020 @ 19:28
By

Tropa ni Duterte, tinangging backer ng La Salle

Kinontra ni businessman Dennis Uy ang mga report na siya’y magiging bagong supporter ng De La Salle Green Archers.

Ito’y tugon ni Uy matapos lumabas ang report sa Bilyonaryo na hahawakan nito ang Green Archers bilang kapalit ni Danding Cojuangco matapos bawiin ang suporta noong nakaraang taon.

“The rumors of yours truly taking over as the new patron of the De La Salle Green Archers basketball team are untrue,” ayon kay Uy, na kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“While I am certainly a proud alumnus of the De La Salle University and an avid fan and supporter of basketball, I have never been formally approached about leading the basketball program of my alma mater,” aniya pa.

Si Uy ay hindi na iba sa larangan ng sport, tagasuporta rin ng Phoenix Fuel Masters sa PBA.

Sa report ng Bilyonaryo, sinabi na handing magbigay ng P10-million si Uy sa La Salle basketball team para maging kapantay ng lakas ng Ateneo Blue Eagles na tatlong beses na sunod nang nagkakampeon sa UAAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?