86

By

Trinaydor ang San Beda? Ganon talaga ang buhay – Tenorio

Sa San Beda nag-high school si LA Tenorio, na ngayon ay kalaban ng Letran sa NCAA Season 95 Finals.

Kakaiba ang sitwasyon ni Tenorio, alumna ng San Beda, ngunit assistant coach para sa Letran na pumutol sa win streak ng mga Red Lions.

“Weird feeling talaga,” ayon sa Ginebra guard.

Aniya pa, hindi na niya pinapansin ang mga basher na sinasabing traydor siya dahil sa paghaharap nila sa Finals.

“Wala eh, ganoon talaga ang buhay,” sey ni Tenorio. “Nandito ako sa Letran, I’m part of the coaches and I’m here para tulungan ang mga bata.”

Ngunit kahit nasa ibang koponan ay hindi pa rin nawawala ang kanyang pagiging taga-San Beda.

“It doesn’t matter kung nasa Letran ako, di naman ibig sabihin na binabalewala ko na nag-San Beda ako. Nandoon pa rin ang pagiging Bedista ko,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?