2,001

Trillanes sa panibagong kaso: Hindi ako takot sa inyo!

“Hindi ako takot sa kanila. Haharapin ko sila.”

Ito ang deklarasyon ni Senador Antonio Trillanes IV kasunod ng pag-akyat sa korte sa Pasay City ng reklamong grave threat na isinampa laban sa kaniya ni Labor Undersecretary Jacinto Paras.

Ayon kay Trillanes, maliwanag itong panggigipit tulad ng iba pang mga kasong isinampa na laban sa kaniya na pawang hindi rin niya inurungan.

“Anyway, like all the other harassment cases filed against me, I will face this squarely,” pahayag ni Trillanes.

“I just arrived from my trip last Wednesday despite all threats against me, precisely, to show these people that I am not afraid of them,” dagdag nito.

Tinawag naman nitong baliw si Pangulong Rodrigo Duterte na pinaniniwalaan niyang nag-udyok kay Paras para siya sampahan ng kaso.

Isinumbat na ang pangulo ang maraming banta at utos na pumatay pero siya ngayon ang sinampahan ng kasong pananakot.

“Binaliktad na talaga ni Duterte ang hustisya sa Pilipinas. Siya itong pinapatay mismo ang mga ordinaryong Pilipino, pinapa-rape ang mga babae sa mga sundalo, pinapa-kidnap at torture ang mga COA audtiors at pinapa-holdup ang mga bishops, tapos ako ang pinakasuhan nya ng grave threats sa mga bata nya? Baliw talaga,” sabi ni Trillanes. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?