3,326

By

Trillanes: Narco list solusyon ni Duterte sa water crisis, ‘Galing mo talaga!’

Imbes na solusyunan umano ang lumalalang problema sa kakulangan sa tubig sa ilang panig ng bansa ay inuna pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas nito ng narco list, saad ni Senador Antonio Trillanes IV.

Puro na lamang umano illegal drugs ang naiisip nito at hindi solusyon sa mga tunay na kinakaharap ng bansa.

Isang post sa social media ang inilabas ni Trillanes kung saan ay binatikos nito sa paraang pang-aasar ang Pangulo dahil sa kawalan nito ng maayos na solusyon sa problema.

Saad ni Trillanes, ang galing talaga ni Duterte at dahil doon ay maaari na itong magshopping ulit sa Hong Kong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?