196

Jun 7, 2019 @ 17:29
By

Trillanes handang makulong matapos ang Hunyo 30

Handa umano sa anumang bagay si outgoing Senator Antonio Trillanes IV matapos ang kaniyang termino.

Si Trillanes, kasama ang ibang military officer, ay nakulong na noon dahil sa Oakwood mutiny.

Nang tanungin ang senador kung handa siyang makulong ulit sinabi nitong: “I’m ready. The question is, are they ready?”

Dagdag pa niya, sa kasalukuyang administrasyon, ang isang miyembro ng oposisyon ay dapat handa sa lahat.

“All my experience led me to be who I am today. If I can’t survive what may come my way, there’s God who will bridge the gap,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?