68

Feb 18, 2020 @ 11:08
By

Trillanes dumating na mula Amerika

Ngayong Martes ng umaga, dumating na sa bansa mula US si dating Senador Antonio Trillanes IV upang magpiyansa sa kasong conspiracy to commit sedition na inihain laban sa kanya.

Mula sa airport tutungo si Trillanes sa Quezon City Metropolitan Trial Court para maghain ng piyansa, Pebrero 18, 2020.

Pinaaaresto ng QC-MTC Branch 138 sina Trillanes, Peter Jomel Advincula alyas “Bikoy,” at siyam iba pa na tinuturong nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” videos na kumalat online sa kasagsagan ng Halalan 2019. Sinabi sa mga video na sangkot sa illegal drug trade ang pamilya at mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na naghihintay na lang sila ng kopya ng utos mula sa naturang korte para maaresto ang mga akusado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?