146

Feb 24, 2020 @ 19:27
By

Trillanes bumanat kay Go: Sinungaling!

Pawang kabulastugan lang umano ang pinagpipilitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na ang pagpapalabas sa black propaganda na advertisement nito noong 2016 election period ang siyang dahilan kung bakit nararapat lang na hindi i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, ayon kay dating senador Antonio Trillanes IV.

“Duterte/Bong Go’s assertion that the airing of my advertisement is the reason why the ABS-CBN franchise should not be renewed is a lie,” pahayag ni Trillanes sa isang statement.

Paliwanag ng dating senador, wala namang mali sa advertisement at pag-ere nito. Hindi rin aniya nagreklamo si Duterte nang ipalabas ito noon sa GMA 7.

“First, there’s nothing illegal about the ad itself and the airing of the ad. Second, the same political ad was aired in GMA 7 and yet Duterte never complained about it when its franchise was renewed,” sabi ni Trillanes.

Duda nito, maaaring may iba pa umanong motibo sa pagharang sa franchise renewal ng ABS-CBN.

“So, definitely there is another ulterior motive in the blocking of ABS-CBN’s franchise renewal,” ayon kay Trillanes.

Sa pagdinig ng Senate public services committee, ipinakita ni Go ang paid advertisement ni Trillanes noong 2016 na inere sa ABS-CBN na pinapakita ang pagmumura at pagsasalita nito tungkol sa kontrobersiyal na rape remark.

Sabi ni Go, mas pinili pa ng network ang pag-ere sa “black propaganda” kesa sa bayad nang lehitimong ads ni Duterte noong 2016 campaign period.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?