37
May-ari ng car shop arestado sa pagnanakaw ng sasakyan
By

Trike driver huli sa buy-bust sa Caloocan

Arestado ang isang tricycle driver na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, Lunes ng hapon.

Kinilala ang naarestong suspek na si Paul Romero Llacer, alyas KoyKoy, 23, ng Guido 1, Brgy. 33 Gagalangin, Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Jezell Delos Santos, alas-12:30 ng hapon nang ikasa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Major Naag ang buy-bust operation kontra kay Llacer sa Tamban St., Brgy. 20 matapos ang natanggap na ulat ng pulisya hinggil sa pagbebenta nito ng iligal na droga.

Nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Aldrin Pascual sa suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money at nang magkabayaran na agad nitong sinunggaban si Llacer.

Narekober sa suspek ang buy-bust money at isa pang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?