29

By

Tricycle driver dedo sa suntok ng kapitbahay

Patay ang isang tricycle driver matapos makipag-away sa kanyang kainuman sa isang lamay sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rolito Viray Tolidana, 52, binata, 52, residente ng Brgy. Sto. Cristo, Bago Bantay, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente alas-11:45 ng gabi, November 12 sa harap ng No. 57 Lanao St., Brgy. Sto. Cristo.

Agad namang naaresto ang suspek na si Rustom Gabriel Mendoza, 26, may-asawa, driver, nakatira rin sa nabanggit na barangay.

Ayon sa saksing si Brian Osias Prodon, nagka-cara y cruz habang nag-iinuman ang biktima at suspek sa lamay ng kanilang kapitbahay.

Nang matalo ang biktima ay nagalit ito at sinapak ng dalawang beses sa mukha ang suspek kaya gumanti rin ng isang malakas na suntok ang huli.

Sa isang suntok lang ng suspek ay bumagsak ang biktima at tumama ang ulo sa semento kaya nang makita itong duguan at wala nang malay ay isinugod ng mga naglalamay sa Quezon City General Hospital subalit binawian din ng buhay bandang alas-2:56 ng madaling-araw, November 12, ayon kay Dr. Kris Abique.

Kusang-loob namang sumuko ang suspek at ngayon ay nakapiit sa Masambong Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?