87

By

Tres ni Subido, gumiba sa UP! UST pasok sa Finals

Sa harap ng 18,548 crowd, nakasilat ng Finals spot ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa paglusot kontra University of the Philippines Fighting Maroons, 68-65, Miyerkoles ng gabi sa UAAP Season 82 stepladder semis.

Binuslo ni graduating guard Renzo Subido ang panlamang na tres para itarak ang 66-65 lead, 23 seconds na lang ang natitira sa laban sa harap mismo ng last year’s MVP na si Bright Akhuetie.

Matapos bumalik ang bola sa UP, nag-fumble si Kobe Paras ngunit nakarekober at nagawang mapasa kay Javi Gomez de Liaño ang bola, ngunit sumablay ang tutok na tira.

Dito nag-foul ang UP, pinasok ni Soulemane Chabi Yo ang dalawang free throw at namintis ni UP player David Spencer ang tres.

Ito ang kauna-unahang finals appearance ng UST buhat noong 2015.

14 points ang ginawa ni Subido, at tuloy-tuloy pa ang kanilang season sa pagharap sa powerhouse team na Ateneo sa Sabado, November 16, sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?