38

By

Travel ban sa Taiwan dahil sa COVID-19, inalis na

Inalis na ang travel ban na ipinatupad sa Taiwan dahil sa novel coronavirus outbreak.

Kinumpirma ng Malacañang na nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease na pinamumunuan ni Health Sec. Duque na i-lift ang travel ban nitong Biyernes.

Kasunod ito ng panawagan ng Taiwan at mga mambabatas sa Pilipinas.

Sakop na lang ng travel ban ang mainland China at Hong Kong.

Magugunitang nagpaplano ang Taiwan government ng retaliatory measures laban sa Pilipinas matapos silang isama sa travel ban kabilang na ang pagkansela sa visa-free entry para sa mga Pilipino.

Iginigiit ng Taiwan na isa silang independent state at hiwalay sa China.

Dinepensa naman ng Malacañang na para sa kapakanan ng mga Pilipino at hindi politika ang dahilan ng temporary travel ban sa Taiwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?