26

Travel agency nagsara, publiko nawindang

Daang libong mga byahero at negosyo ang nagulantang sa biglaang pagsasara ng British tour company na Thomas Cook noong Lunes, Setyembre 23, 2019.

Nagulat din ang nasa isang milyong kustomer nang malamang pwersahang kinansela ang pinaplano nilang bakasyon sa nasabing ahensiya.

Nasa 21,000 empleyado rin sa 16 bansa ang nawalan ng trabaho dahil sa surpresang desisyon ng kompanya.

Samantala, umaksiyon naman agad ang pamahalaan ng Britain, at nag-ayos ng flights pabalik sa bansa nang nasa 150,000 kostumer na Briton ng Thomas Cook.

Halu-halo ang mga tinuturong dahilan ng pagsasara ng kompanya: pagkakalubog sa $2 milyong (P104 milyon) utang, pagbaba ng bilang ng mga kustomer dahil sa mga terror attack sa Middle East at Europe at pag-alis ng Britain sa European Union, at iba pa.

178 taon na ang Thomas Cook na nagsimula sa England, at isa sa mga nagpasimuno ng package tour sa iba’t ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?