58

Traslacion sa Cagayan De Oro naging mapayapa

Tinatayang 250,000 deboto ang nakiisa sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Cagayan De Oro, saad ng Philippine National Police.

Taliwas sa madalas na mangyari sa Traslacion sa Maynila naging mapayapa ang naging prusisyon sa Cagayan De Oro at maagang natapos ito.

Nagsimula ang parada sa St. Agustine Cathedral at nagtapos sa Shrine of the Black Nazarene.

(Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?