61

Jan 10, 2020 @ 18:37
By

Traslacion 2020 naging mapayapa – Gordon

Mas mapayapa ang pagdiriwang ng Feast of the Black Nazarene ngayong taon na ito dahil walang binawian ng buhay o lubhang nasaktan, ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross.

“I’m glad that it’s over and nobody’s hurt that bad. We took some people to the hospital and some of them were serious cases but no one died so far. And we’re happy about that,” pahayag ni Gordon sa isang panayam sa telebisyon.

“I’m really surprised that there were no fatalities because a lot of people jumping up and down the [andas]. We are thankful that this one was more peaceful,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Gordon na bagama’t may ilang debotong nagreklamo na barikada ng pulis at militar sa makikitid na daan, tiniyak lamang ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga taong dumalo sa piyesta.

Napigilan din umano ng mga ito ang pagtalon pataas at pababa sa andas ng Itim na Nazareno kaya’t walang nasugatan sa kanila bukod sa bumilis pa ang prusisyon ngayong taong ito kumpara sa nagdaang mga taon.

Ngayon taong ito, umabot lamang ng 16 at kalahating oras ang Traslacion bago ito naibalik ang Black Nazarene sa Quiapo Church. Ito mas mabilis ng limang oras kumpara noong 2019.

Tinataya namang 2.3 milyon deboto ang nakilahok sa prusisyon. Umaasa naman si Gordon na magiging mas organisado ang Traslacion sa susunod na taon.

Samantala, mahigit sa 1,081katao ang nasilbihan ng mga volunteer ng PRC kung saan ilan sa kanila ay kinunan ng blood pressure, ginamot matapos mahilo, kinapos ng hininga at nagkaroon ng mga sugat at gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga deboto.

Namahagi din ang PRC ng 10,000 litro ng tubig sa 2,000 indibidwal.

Ang PRC ay nagpakalat ng 13 First Aid Stations and Welfare Desk, isang Emergency Medical Unit, isang advance medical post, 50 ambulance, tatlong rescue boat, dalawang water tanker at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?